MANILA, Philippines – Sa darating na Mayo 12, maghahalal ang mga Pilipino ng 12 na bagong senador. May 66 na pangalang nakalista sa balota. Paano nga ba wais na makapipili ang isang botante ng karapat-dapat na senador ngayong 2025 elections? Ano ba ang dapat hanapin ng isang botante sa kaniyang mga senador?
Sa video na ito, tatalakayin ni Teacher Rubilyn ang mga responsibilidad at tungkulin ng isang senador. Huwag magpauto sa pagsayaw-sayaw at pagkanta-kanta ng mga kandidato! Mas mahirap at matrabaho ang tunay na obligasyon ng isang mambabatas sa Senado. – Rappler.com
Actor, researcher, writer: Ailla dela Cruz
Producer, writer, director, video editor: JC Gotinga
Graphic artists: Nico Villarete, JC Gotinga
Supervising producer: Beth Frondoso