Quantcast
Channel: ‘Abby Luis Campos’ of Makati: Who's really running for mayor?
Viewing all articles
Browse latest Browse all 4075

TRANSCRIPT: Interview with 2025 restoration steward Kristel Quierrez

$
0
0

This article was produced with assistance from Rai, the new Rappler AI chatbot that provides information based on Rappler articles. Information from Rai was vetted and contextualized by Rappler’s editorial team before being used for this article.

MANILA, Philippines – In General Nakar, Quezon province stands the would-be New Centennial Water Source-Kaliwa Dam, a major infrastructure designed to address Metro Manila’s water supply issues. Once completed, it is expected to provide 600 million liters of water daily to the region.

Despite its intended benefits, the project remains controversial — environmental groups and indigenous communities have been strongly opposing it. The project could bring irreversible damage to the Sierra Madre mountain range and the displacement of indigenous peoples (IP). The project, under development, has been facing delays, cost overruns, and funding uncertainties.

Among those opposed to the project is Kristel Quierrez, a member of the Agta (also known as Dumagat-Remontado) indigenous community in General Nakar. She has committed to strengthen the IP youth community in Sierra Madre in protecting the environment and preserving the culture of their community — beginning with her fellow youth in Quezon province.

Quierrez was named one of the 2025 Restoration Stewards by the Global Landscapes Forum, the world’s largest knowledge-led platform on integrated land use. She was among seven young environmentalists and the only Filipino to be given the award in 2025. 

Rappler correspondent Mari-An C. Santos spoke with Quierrez to discuss the challenges that IPs face, what it means to receive recognition, and more. The phone conversation with Quierrez took place on January 2. 

The following are highlights lifted from the Taglish transcript of the phone interview. Also edited for brevity and clarity. Read the full story here

Awareness on the environment and ancestral domains 

Mari-An C. Santos: Paano ka namulat doon sa pag-sa-struggle for the environment…at saka sa ancestral domain claims ‘nyo?

Kristel Quierrez: Siguro po…simula pagkabata. Dahil po ‘yong advocacy rin naman no’ng [elementary] school [ko]…’yong Sentrong Paaralan ng mga Agta [sa General Nakar, Quezon province], ay tungkol din sa pagpapalakas ng kapasidad ng katutubong kabataan…. ‘Yong [Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997] (IPRA), nag-di-discuss din po ng gano’n…. May mga tumutulong [din] po na mga organization…. Sinisimulan na rin…[ma-organize] ‘yong mga youth dito, mga [Indigenous Peoples] (IP) youth, na magbuo rin ng isang organization para naman sa mga youth…bilang mga second-liner ng mga matatanda namin. 

Mari-An C. Santos: Save Sierra Madre Youth Volunteers Organization — ‘yon or iba? 

Kristel Quierrez: ‘Yon po ‘yon. Pero nabago na po siya ngayon. UGBON na po…. Katutubong Kabataang Umuugat sa Kabundukan ng Sierra Madre.

Mari-An C. Santos: Kung matatandaan mo, ano ‘yong pinakamaagang naalala mo na may awareness ka…sa mga IP rights? 

Kristel Quierrez: Kapag bahagi ka talaga ng katutubong komunidad, natural na alam mo na. Pero hindi pa rin naman po gano’n kataas ‘yong antas ng kaalaman ng mga katutubo tungkol sa IPRA. Minsan may mga pagkakataon nga po na hindi rin alam na nagagamit na rin pala ang IPRA sa amin. Nagiging bahagi na rin kami sa mga pagpupulong sa…komunidad namin. Doon po nagsisimula ‘yong kaalaman siguro namin tungkol sa mga batas [para sa aming] mga katutubo. Lagi naman pong present ‘yong mga matatanda na Agta — halimbawa, [kung] may tanong kami. Sa iba’t iba rin po nanggagaling ‘yong kaalaman namin tungkol do’n…. Meron sa matatanda, meron sa mga pagpupulong. 

Indigenous youth challenges

Kristel Quierrez: Medyo nahihirapan na kami [sa UGBON]. 

Mari-An C. Santos: Bakit kayo nahihirapan? 

Kakaunti na ang kabataan na marunong magritwal. So ‘yong mga sagradong lugar, ‘pag nawala na, matitigil, mapuputol na ‘yong pagsasalin ng kultura kung wala nang pagsasagawa ng mga tradisyong gano’n.

Kristel Quierrez: Medyo nahihirapan po dahil parang initiative talaga namin na magbuo [ng organization]…. Wala pong ibang nag-facilitate sa amin na, “Ah, mag-assembly kayo.” Kami po mismo ‘yong [nag-asikaso ng] mga proposals para mabuo. ‘Yong mga matatanda [gumagabay lang] po sa amin. 

Mari-An C. Santos: Ano ‘yong gusto ‘nyong makamit, ‘yong main objectives ‘nyo? 

Kristel Quierrez: Ang kaunahan po na layunin namin dati [ay tumaas] ang antas ng kaalaman ng katutubong kabataan base at nakapaloob sa batas IPRA. Three years pa lang po kami; katatapos lang ng assembly namin last month. Medyo nabago ‘yong layunin namin ngayon — na mapataas pa rin naman po ‘yong antas ng kaalaman at saka kapasidad ng katutubong kabataan, pero ayaw na namin ibase lang sa IPRA, kun’di…nakaayon, nakaugnay sa katutubong kaugalian at tradisyon…. Kalimitan nang sinasabi ng mga kabataan na nawawala na po ‘yong kultura. Halos kalahati o mahigit kalahati na nga po ng members namin ay hindi na nakakapagsalita ng wika namin. So sa kultura rin po ang isa sa mga advocacy. At isa po sa pinagtutuunan [namin ang] pinakamatingkad na layunin namin…‘yong sa pagprotekta — ano ang magagawa ng katutubong kabataan para tumulong, para protektahan ang lupaing ninuno at kalikasan. 

Mari-An C. Santos: Ilan ang members mo ngayon? 

Kristel Quierrez: ‘Yong present po noong last assembly ay 85. 

Mari-An C. Santos: Galing sa anong mga lugar? 

Kristel Quierrez: Dito pa lang po sa Quezon [province]. Pero meron sa General Nakar, Burdeos, Polillo, Panukulan, Mauban…. [Buong] Sierra Madre po ‘yong target namin pero [sa] Quezon [province] pa lang ‘yong [may members.] 

Kaliwa Dam

Mari-An C. Santos: Bakit ‘nyo pinaglalaban na hindi matuloy ‘yong [Kaliwa Dam]? 

Kung nasaan ‘yong katutubo, nandoon ‘yong malagong kagubatan. Kahit sa ibang bahagi ng mundo, ‘yon talaga ‘yong nakikitang best manager ng kagubatan — ‘yong katutubo.

Kristel Quierrez: Ako po, personally, na-attach na ako sa advocacy; medyo malalim na po ‘yong pakikialam ko sa advocacy…. Kung may puso ka po talagang makakalikasan, alam ko na po ‘yon na talagang aayaw sa project. At alam ko pong ako’y may pusong makakalikasan. Bilang katutubo rin po…ngayon nga parang nahihirapan na ‘yong pagsasalin ng kultura sa amin. Halimbawa po…kakaunti na ang kabataan na marunong magritwal. So ‘yon pong mga sagradong lugar, ‘pag nawala na, matitigil, mapuputol na ‘yong pagsasalin ng kultura kung wala nang pagsasagawa ng mga tradisyong gano’n. So medyo malalim na po ‘yong tama talaga sa aming advocacy na mapatigil ‘yong Kaliwa Dam. 

Mari-An C. Santos: Kasi na-threaten talaga ‘yong mismong kultura ‘nyo ‘no, hindi lang kabuhayan kun’di pati kultura. 

Kristel Quierrez: Meron nga po kaming documentation, though hindi pa lang nalabas…. Ang title po ay “Parey,” ‘yon pong katutubong salita ng “palay.” Dahil ‘yon pong mismong pagtatayuan [ng Kaliwa Dam], ‘yong mga community na lang po doon ang nagsasagawa ngayon [o] nagsasabuhay pa rin ngayon ng tradisyunal na pagtatanim ng palay…. So [gumawa] po kami ng documentation patungkol doon sa pagtatanim…dahil ‘pag natuloy talaga ‘yong Kaliwa Dam…wala na pong community na magsasagawa ng ganoon. Dahil ‘yon po ang lokasyon…’yan po talaga ang magandang pagtaniman ng mga palay. 

Importance of receiving recognition

Mari-An C. Santos: Pag-usapan natin ‘yong [award] mo…. Meron bang nag-no-nominate or nag-sa-submit kayo [ng application]? 

Kristel Quierrez: Application ang process eh…. Tinulungan po akong mag-apply noong [2024 restoration steward] na Pilipino rin…. Si Kuya Jann Vinze Barcinal…. Taga-Antique po. 

Mari-An C. Santos: Nakilala mo siya sa network? 

Kristel Quierrez: Nagkakilala po kami sa Youth Atlas [ng National Geographic]. Facilitator po siya doon tapos nagkuwentuhan kami. Tapos… [pinag-apply niya po ako] agad. 

Mari-An C. Santos: Meron bang formal na awarding? 

Kristel Quierrez: Wala pong awarding, online lang. ‘Di rin po ako makapaniwala dahil 500 applicants daw ‘yong nag-apply. 

Nakikita namin na sa amin magsisimula [ang pagkamit sa] mga layunin. Hindi ‘yon imposible na mangyari kung organisado kami at patuloy lang ‘yong mga initiative namin na hindi lang sasandal sa iba, kun’di may sariling pagtindig, may sariling pagkukusa.

Mari-An C. Santos: Anong naramdaman mo noong nalaman mo na [na-award-an] ka? 

Kristel Quierrez: Ano po, masaya. Grateful dahil ‘yon pong project [na i-ga-grant]…para sa UGBON po talaga ‘yon. 

Mari-An C. Santos: [What are you looking forward to] doon sa opportunity na ito? 

Kristel Quierrez: Nakikita ko po [siyang] platform para makilala ‘yong UGBON. Dahil ‘yon pong nilagay ko talaga dito, hindi lang para sa aking sarili, pero para makilala rin ang katutubong kabataan [na] steward talaga ng mga kagubatan. Dahil alam naman po siguro natin na kung nasaan ‘yong katutubo, nandoon ‘yong malagong kagubatan. Kahit po sa ibang bahagi ng mundo, ‘yon talaga ‘yong nakikitang best manager talaga ng kagubatan — ‘yong mga katutubo…. Nakikita ko po sa history ng [Global Landscapes Forum stewards]…wala pang indigenous youth na napili. So gusto ko pong ipakita na sana ‘yong katutubo na talagang nakaugnay sa pangangalaga sa kalikasan.

Must Read

Philippines’ $211-M Kaliwa Dam may submerge half of homes in Sierra Madre’s village

Philippines’ $211-M Kaliwa Dam may submerge half of homes in Sierra Madre’s village

Mari-An C. Santos: Ano…’yong magiging role mo…or magiging role ng mga kabataan — ‘yong halaga ng kabataan sa pag-a-assert ng karapatan ng mga indigenous peoples, pati ‘yong pangangalaga sa kalikasan? 

Kristel Quierrez: Ang sinisimulan po naming role ngayon ay tumutulong kami sa mga teknikal na pagtulong. Halimbawa nga po, isa ngayon sa pinatutunguhan namin ngayon ay pag-consolidate ng mga documents para sa ADSDP namin…. Ancestral Domains Sustainable Development and Protection Plan…. Medyo mabusisi po siya sa documents at sa process. At ‘yon pong UGBON ang tumutulong sa komunidad na ipaliwanag ‘yon at sa pagkuha ng mga form. Sa mga ganoong paraan po nakikita namin ‘yong kakayahan naming mga katutubong kabataan na puwedeng tumulong…. Nakikita po namin na sa amin magsisimula [ang pagkamit sa] mga layunin. Hindi ‘yon imposible na mangyari kung organisado kami at patuloy lang ‘yong mga initiative namin na hindi lang sasandal sa iba, kun’di may sariling pagtindig, may sariling pagkukusa…. Dahil minsan po kapag nagsimula…sa tulong ng iba, nasasanay na hindi gagawa dahil…walang support. So ‘pag may ganoon pong initiative…magagawa namin lahat, makakatulong kami para sa proteksyon ng environment. 

Must Read

What if Kaliwa Dam gets stalled?  

What if Kaliwa Dam gets stalled?  

Mari-An C. Santos: [Ano] ‘yong halaga ng networking, ‘yong pagtutulong-tulong nyo… [‘yong] pag-bi-build ng ties with iba pang katutubong kabataan? 

Kristel Quierrez: Sa ganyang bagay po medyo nahihirapan kami. Dahil nga po sa mga community, malalayo, halos isang araw na lakad para lang makapag-meeting. Meron po kaming member sa Aurora, umiikot pa ng Manila papunta rito. So ‘yon pong sa communication nahihirapan kami dahil kailangan pang maglakad ng halos isang araw para lang [magkaroon ng access sa signal]. Tapos isang araw para makapunta ng bayan. ‘Yong iba nagbabangka pa…. ‘Yong pakikipag-ugnayan naman po sa iba, sa labas, in-e-explore pa rin ngayon. Para po sa amin, mahalaga talaga ‘yong networking dahil doon magsisimula ‘yong recognition namin as indigenous youth organization. At sobrang mahalaga na kilala ka na organisasyon dahil kung kilala ka, sa ‘yo na lalapit…halimbawa, ang LGU. [Mahalaga] lalo na ‘yong mga international platform kung saan ma-vo-voice out mo ‘yong mga advocacy mo, ang kahalagahan ng kalikasan sa mga katutubo. [Mahalaga rin ‘yong] pagpapatuloy talaga ng partisipasyon ng katutubong kabataan. Hindi lang po partisipasyon, kun’di pati ‘yong aktibong pakikibahagi. Kasi minsan po naimbitahan ka nga, pero wala namang makabuluhang pakikibahagi sa pinag-imbitahan mo. Masabi lang na, “Ah may katutubo po kaming kasama,” pero walang masabi doon sa isang, halimbawa, pagpupulong or convention or ano man, forum. Kaya tinitingnan talaga natin, kina-capacitate po talaga namin ‘yong bawat miyembro na makapagsalita para maipakilala ‘yong UGBON. 

Mari-An C. Santos: Ikaw naman, personally, ano ‘yong nakukuha mo doon sa [mga interaction mo] sa ibang katutubo na kabataan? 

Kristel Quierrez: Masaya po sa loob. Dahil…nakaka-motivate na magpatuloy dahil hindi naman po maikakaila na ‘pag organization, volunteer ka eh, walang sahod. Pero kapag nakikita mo pong aktibo sila…hindi ako na-pe-pressure, kun’di na-mo-motivate na, “Ay wait lang, tutulong tayo…. Doon tayo sa pakikipag-nego-han para may tumulong sa ‘tin.”

ALSO ON RAPPLER

– with reports and research by Mari-An C. Santos, Laurice Angeles/Rappler.com 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 4075

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>